''Emancipation of MiMi..''
- MiMi
- ano bang masasabi ko?well,to start with. Im a simple human being. But i can be complex and misunderstood by many at times. I think im also somehow abrupt,i get upset easily but i can also be cheer up easily under certain circumstances. Im also very moody,i change moods easily more than any other people. One moment im optimistic then the next minute im thinking crazy things. They say im crazy,im unpredictable,im stupid at times. Im stubborn,im somehow quite and then loud at the same time. Ayoko ng sinungaling,bastos at self-centered and judgemental people. I hate people who hurt the people that i love. Simpleng tao lang ako dito sa komplikadong masayang magulong mundo. ^_____^
Thursday, May 6, 2010
''..gurl friend..''
I would like to introduce to you my first ever (i think) best gurl friend ever,and i we used to call each other 'GURLFRIEND' which only means literally itself (im not gay,just to make things clear. haha.) I first met her during my elementary days,we've been classmates since grade 6(if im not mistaken) until 1st year highschool. Dahil malapit lang bahay namin isa't isa,palagi kaming sabay pumasok at umuwi. She's the kind of gurl na hindi talaga papakabog sa iba,lalo na kapag minamaliit siya. Isa sa pinagkakasunduan namin yun,ang pagiging palaban. I remember this one time na nakipag away siya,andun ako (para manuod,haha.) kasi magkasama kami nun,tsaka sa bahay namin naganap. We were eating spaghetti nakalimutan ko na anu okasyon that day eh,ang eksena was nag aasaran sila nung bakla naming friend that we used to call 'baklang buddah' (kasi his fat but hindi naman dark complection niya,naisip ko nga now na ang kahawig niya talaga is yung nasa where the wild things are. haha.) Balik tayo sa eksena,haha. Eh di ayun nga,nag aasaran sila then nagulat na lang kami nung bigla silang nagtulakan (habang kaminng iba naming friends ay sarap na sarap sa pag ngasab ng spaghetti,haha.) umitsa si gurlfriend kasi ang laki ba naman ni bakla,at sa isang kisap mata bigla niyang sinampal sa mukha ni bakla ang paper plate na may spag. Kaya ayun,nagmukhang kesong puti si bakla with the spag all over his face. Gulat kami,dun kami umawat (kung kelan huli na,haha) nangiyak si bakla habang nagpapasahan sila ni gurlbestfriend ng mura. But after an hour when nahulasan na ang lahat sa nanyari ay nagkusa ng lumapit si gurlfriend kay baklang buddah ang nagsorry sila sa isa't isa and naghug. Ganun si gurlfriend,palaban pero yung mga taong malalapit sa kanya hindi niya natitiis. Background check naman tayo para malaman natin bakit palaban na mapagmahal si gurlfriend (like me,haha.) She grew up with a complete family,both her parents are working and 3 silang mgkakapatin all of them were gurls and siya yung pangalawa (middle child,kaya sintuin. haha.) About gurlfriends love life naman,may bf siya for almost a year na that time. Super love niya yun talaga,but the sad part was after ng fisrt year college namin. Her parents decided na lumipat sila sa nueva ecija,kasi may lupa na pinaman sa kanila dun. Kaya,vacation that year umalis na si gurlfriend and naiwan ako at ang bf niya (nag braek na sila before siya umalis)
Ayun,after that matagal kaming walang contact kasi lagi akong nawawalan ng sim and wala din naman siyang permanent number pa. Then one night after i think almost a year,nagkatext kami kasi nagkita kami ng mom niya nung nagpunta dito one time and binigay ko number ko. She was at the hospital that night,naaksidente si gurlfriend. Nakasakay siya with her previous bf habang nakasakay sa motor. Siya ang napuruhan,her right leg was hit by a truck kaya she need operation then. Her bf's family answerd all the expenses,pinalitan ng bakal yung right leg niya at matagal siyang nanatili sa hospital and during does days lagi kami magkatxt at dun kami nagkamustahan ng bongga. She's studying there and she had a new bf which she called asawa na niya kasi they are so open regarding each others family (hunk nga naman si guy,i saw him na sa pictures and sa cam nung ngakachat kami) Nalagpasan niya yung operation na ginawa sa kanya,and then after that bigla na lang kami ulit nawalan ng communication. Busy ako dito sa manila and i guess busy din siya sa pagpapagaling sa probinsya. At when nauso ang facebook sa ating planeta,haha. Nagkaron ulit kami ng communication ni gurlfriend,haha. Siya pa ang unang nakahanap sa kin and lagi na kami nagkakamustahan through chat and kung anik anik pa na msg ways online. For me,gurlfriend is one of a kind human being. Haha. Nakakamiss man na wala na siya dito,kasi kahit anu mangyari kami lagi ang kampi at magkasama. Im still happy kasi hindi pa din nagfafade closeness namin kahit nasa taas na parte siya ng pilipinas.
Tuesday, May 4, 2010
''..shoelace..''
.. everwonder when.. how.. and who taught you to tie your shoelace?.. well ako.. the other day.. i did wonder,hehe.. (wala kasi akong magawa.. hehe..) ..
.. nasa school ako nun,and i was’nt wearing school uniform that day.. so,i was wearing chuckz.. (kaya may sintas) .. while i was fixing it,it came to my mind.. na.. panu nga ba ko natutong magbuhol buhol ng ganto?,hehe.. at.. hindi ko masagot tanung ko,hehe.. kaya i asked some of my mates about that.. and they have different stories.. merong tinuruan ng grandparents nila.. meron namang tinuruan ng ate or kuya.. meron ding sariling sikap,hehe.. and yung iba.. mama and papa nila nagturo sa kanila.. tig isang paa,hehe.. nakakatuwang magbalik sa nakaraan lalo na kapag walang magawa sa kasalukuyan.. hehe..
.. and nung tapos na sila,yung about sa kin.. hindi ko pa din maalala.. hehe.. im not so sure kung ako lang mismo nagturo sa sarili ko or tinuran ba ko ng mama ko or ng mommy duck ko.. hehe.. memory gap nanaman ako?,hehe.. nakakatuwa talaga magbalik sa childhood days.. sabi nga nila.. if you dont act foolish while your young.. you wont have anything to laugh about when your older..
''..elephant trunk..''
.. this morning,habang namimilipit ako sa lamig at nangingirot dahil sa sakit ng ngipin ko.. i went back to my routine kapag ganung maaga ako nagigising ang wala akong pasok,yun ay ang makinig sa love radio.. sa portion nilang tambalan,featuring nicolehiyala and christsuper.. me and my kuya are avid van talaga,kasi naaaliw kami sa kanila.. (pero ako,hindi ako naaaliw nung nagkaron sila ng album.. hehe.. wala lang hindi ko feel.. mas nasanay lang siguro ako na dj sila.. hindi singer..) ..
.. anyways,kung hindi ka familiar sa sinasabi ko.. hmm.. try to listen to them every weekdays,during 8 and 9 in the morning.. 15 minutes yata yun,sa 90.7 love radio.. hmm.. kanina kasi may nagtxt and the guy was asking kung panu nya gagawing espesyal anniversary nila and bday ng gf niya.. so,nagbigay naman ng makukulit but may sense na payo yung dalawa.. the one that stuck to my mind was,yung sinabi ni nicole na sayawan nung guy yung gf nya.. wearing an elephant trunk inspired underwear,what?!.. hehe.. without malisya,syempre.. just for fun.. trip trip ba.. hehe.. and for me,that is funny.. (ewan ko kung alam ng mga guys,pero gurls really do laugh kapag they dance infront of them or for them in a funny way.. meron namang seryoso sa pagsasayaw,pero ang dating nakakatawa.. it sometimes depends sa itsura ng guy while dancing.. lalo na kapag hindi talaga siya nagsasayaw proffesionaly..) ..
.. pero kagaya nga ng sinabi ko kanina,and sinabi din ni nicole.. that suggestion doesnt mean na malaswa and may malisya kung yun man yung gawin ng guy for his gf.. its just an experiment,para maiba naman.. the point is he make her laugh that day.. hmm.. and the elephant trunk undies?,i want to see one.. hehe.. wala lang,gusto ko lang bakit ba?!.. hehe.. kaya naman kani kanina i explore the internet,and i found one pero sa behind usually nakalagay yung buong head ng elephant,hindi sa front.. (gusto talaga sa front?! hehe.. it sounds funny kasi.. kaya,i think maybe it also looks funny..) .. and about sa naexplore ko,nakakaaliw kasi there’s such a lot of undies with design.. nakakaaliw siyang pagmasdan.. and very creative din.. may nakita kong gawang ibang bansa,meron din namang gawang pinoy.. astig.. a mini piece of cloth.. yet,some talented people still manage to make it a work of art.. (tatry ko nga ding gumawa ng sarili kong design,kapag may pumasok sa isip ko balang araw,hehe..tapos papasuot ko sa baby ko.. hehe..) ..
''..computer shop..''
.. computer shop.. hmm.. siguro,pang apat na lugar na dapat mong puntahan kung gusto mo kong hagilapin.. hehe.. next to our house.. sa school.. sa mall.. at sa lakarang walang direksyon..
.. bakit ba ko madalas dito?.. una.. wala akong sariling computer.. second.. for school purposes.. and last for relaxation (andun na yung.. pampalipas oras.. maggagames.. mag uupload ng pics,ng fs,ng face book at kung anik anik pa..) .. pero.. hindi yun ang gusto kong ipoint out.. kung di yung mga naglalaro ng on line games na kala mo sila ang may ari ng comp shop or minsan naman kala mo nasa palengke.. ang hindi sumigaw! talo! woOOooOoOoO! .. ok lang namang magsisigaw.. kasi its part of the fun.. kung lahat ng nasa comp shop ay naggagames at kung hindi ka sissigaw sa tapat ng tenga ng katabi mo para sigawan ang akala mo ay nasa ibang ibayo.. magpatayan pa sila! hehe.. eh kaso.. kadalasan.. kung gano kalakas volume ng earphone nila.. mag malakas pa dun boses nila.. hindi ba nila narerealize yun?! grabe naman.. kay ako kapag nagpatayo ng comp shop.. isesegregate ko talaga yung mga pure na maglalaro lang.. sa mga hindi.. para maiwasan ang nababadtrip na customer kagaya ko.. (ginawang basura?! hehe..) ..
.. at hindi pa dyan nagtatapos.. hehe.. kapag nananahimik kang nakaupo at nagcocomp.. mapapa ouch ka na lang kasi feeling mo nabatukan ka na?! hehe.. ako madalas kong nararanasan yan.. di ko na nga nabilang kung ilang beses na now eh.. anu bang gusto nila?! idikit ko mukha ko sa comp para lang di nila ko mabatukan?! eh dadaan lang naman sila.. ok sana kung makakarinig ng ”excuse me” or kapag nabangga eh ‘’sorry” .. kaso.. hmm.. patay malisya.. eh kung pagpapatayin ko sila?! hehe.. (diyos?hehe..) .. kakainis lang kasi eh.. hmm.. sana mabawasan mga taong may gantong manners..
''..saliva..''
.. pano ko ba sisismulan tong chika kong to,hehe.. hmm.. ganto na lang.. may pasok ako today,so after naming maglunch nagpunta muna kami ng mga mates ko sa mall.. nagpalamig at naghanap ng mga mukhang tao pa sa min,hehe.. habang naglalakad kami sa ground floor ng mall,may nakita akong babae (yung mga nakikita nating nakatambay sa mall at nagbibigay ng mga pamplet ng kung anu ano.. merong pagkain,bahay,lupa etc.) ..
.. so,ayun nga.. nakuha ni ate ang aking atensyon.. hehe.. pano kasi pinupunasan nya yung braso nya,tapos nakasimangot siya na parang umiire lang.. hehe.. at yung manong naman na nakatayo sa tabi niya,tumuturo sa taas na floors.. (tingin naman ako,hehe..) tapos nung binaba ko na ulit tingin ko,nakita ko sa sahig ang isang pulong ng kadiring laway.. (na sa pagkakaintindi ko ang siyang tumalsik kay ate.. at tinuturo naman ni manong kung saan sa tingin niya nagmula ..) ..
.. grabe! .. eEeeeEw! talaga! .. kawawa naman si ate,malas niya.. (sophistikada pa naman porma niya..) .. ang nasa isip ko.. anu naman kayang klaseng tao ang gumawa nun.. (wala kong pake kung sino siya eh.. ang gusto kong malaman,anung klaseng tao siya..) .. hmm.. yun bang panu niya nagagawa mga ganung klaseng kabastusan at kawalang galang sa kapwa.. hmm.. bakit kaya may mga ganung tao no?.. sabi nga ng prof ko.. hindi daw siya naniniwala sa 10 commandments.. isang saying lang daw ang pinaniniwalaan niya.. yun ay ang ”dont do to others what you dont want others to do to you..”
.. ako,hmm.. naniniwala din ako dun.. pero,hindi naman laging kung anu ka sa iba ganun na din sila sayo eh.. diba?.. sabi nga ng mga ewan,hehe.. life is unfair.. hindi lahat ng bagay fair.. or naisip ko pwede din kasing minsan,masyado lang nag eexpect ng bonggang bongga ang mga tao.. tapos kapag hindi nila nakamtan yun,sasabihin nila unfair na ang life.. wala yata talagang kakuntentuhan ang tao..
''.. outer space..''
.. naranasan mo na ba yung feeling na para kang nasa kawalan?.. ako?,hmm oo.. lahat naman yata ng tao nafefeel yun once in a blue moon.. except sa mga adik,kasi syempre pakiramdam nila always silang nasa kawalan.. diba?hehe..
.. mabalik ako sa gusto kong ipoint out,hehe.. kasi last last week yata yun may friend visited me sa bahay,tapos may nakwento siya about sa paglalakad sa kawalan.. hehe.. i wont mention her name pero for sure kapag nabasa niya to she will scold me.. hehe.. kasi it goes like this.. she’s on her way home.. feeling kinda sad and at the same time sick.. lakad lang siya dito sa lugar namin pauwi,eh may nadaanan siyang nagrerenovate ng daan in one of the streets dito sa min.. she walk passed through the wet cement na nirerenovete at pinapatuyo pa.. huli na nang marealize niya na basa papala yung cement,anu ginawa niya?.. san ka pa! eh d tinuloy tuloy niya na lang lakad niya.. hehe.. and as she reach the end of the wet cement.. wala na isang slipper niya,hehe.. everyone who saw her keep on saying daw na ”ate ang lakas ng tama/trip mo” .. panu siya nakauwi without one of her slippers?.. well,nagpatulong siya sa isa sa mamang nag approach sa kanya.. ayun,tinulungan naman siya and sinungkit mula sa basang semento yung naiwan niyang slipper.. hehe.. then,she apologized sa mga andun and continued walking home.. with cement all over her legs.. hehe..
.. adik ba?hehe.. ewan ko ba sa friend ko.. siguro she’s just really out of her mind that day.. kaya wala siyang paki sa mundo at nasa outerspace ang isip niya.. hehe.. i myself also felt such way before,lalo na kapag masama pakiramdam ko.. kapag nastrestress out and depressed ako.. nagkakarambol rambol ang mga bagay sa isip ko.. kaya kumakawala utak ko at nagpupunta muna sa outerspace para makapagrelax.. hehe..pero i hope,na kapag nasa outerspace utak natin.. lets just stay home,pwede naman yun diba?.. para di tayo nagkakalat ng kalokohan sa mundo.. hehe.. ;p ..
Monday, May 3, 2010
''..teacher-teacheran..''
.. what would you want to be when you grow up?.. yan ang laging tanung sa mga bagets,wala yatang bata na hindi natanung nang ganyan eh.. diba?hehe..
.. ako?.. nung bata ako,i would first say teacher.. tapos doctor.. hmm,bakit teacher?,kasi before madami akong nakikitang puro teacher,uso pa yata during that day ang teacher.. tsaka,parang ang dali lang nang work nila sa paningin ko nung bata pa ko.. bakit naman doctor?.. kasi ang ganda nang mga white na suot nila,hehe.. tsaka gusto kong manggamot nang may sakit..
.. well,i guess.. somehow my young dreams do come true,hindi pa nga lang successfully complete but their on there way na.. panu ko nasabi?.. hmnm,kasi im taking up med course now.. and kapag nakatapos ako,pwede akong tawaging doctor talaga.. tapos yung teacher?.. i am my little cousins house teacher.. we always play teacher teacheran kapag walang pasok and kapag nagbabakasyon ako sa province.. and take note,yuun ang favorite nila sa lahat nang nilkalaro namin.. hehe.. i may not be a real teacher who teaches at school,pero nagtuturo pa din ako sa mga cousins ko.. and i will neer stop..
.. it is true na hindi lang sa school matututo ang isang tao.. not all the best things in life are tought in school.. hmm,ikaw ba?.. as of now.. does your childhood dreams wanna be,are coming true?..
''..crying ladies..''
.. ever heard of the crying ladies?.. kapag may patay sila yung mga binabayaran para umatungal at umiyak sa namatay.. kung familiar ka sa movie with the same title,tungkol sa kanila lahat yun..
.. sa province namin,sa batangas.. hindi ang crying ladies ang sikat kundi ang mga praying ladies,thats what i call them.. hehe.. sila ang mga nagdadasal sa mga patay.. pero ang experience ko this year is kinda interesting and kulet,hehe.. i noticed a lot of things kasi about the praying ladies.. i noticed na not all of them really pray for the dead,they have thier own reasons kung bakit sila sumasama sa mga padasal or magdadasal.. and nakita ko talaga yun this year.. anu yun?.. hmm,napasin ko and nang mga relatives ko na some of them just join the group para makalikom nang libreng pagkain.. parang kung kumilos sila is like sila lang yung grupo nang magdadasal na darating,sobra sila.. some of them walang disiplina,take note pa na they are old enough na huh.. talagang wala sa age ang proper discipline eh..
.. nakakalungkot and inis lang isipin na.. some people doesn't do their mission base on their vision..
''..medyas..''
.. ”lasang medyas tol..” nasabi mo na ba yan?.. or nasabi na ba sayo yang phrase na yan?.. ako,madami nang nakapagsabi sa kin nyan.. lalo na kapag nasa mga kainan.. ang pinopoint out ng phrase na yan,ay yung libreng sabaw na binibigay sa mga karinderya or sa ibang kainan..
.. anu daw?! .. ako,ewan ko ba kung bakit lasang medyas ang sinasabi nila,nakatikim na ba sila nang medyas? kaya nila nakumpara yung lasa ng sabaw at medyas?.. haha.. ewan ko ba sa ting mga pinoy.. ang daming pinapauso,haha.. kung gano karami ang problema nang bansa ganun din karami ang mga pinapausong mga phrase at words na kung anu anu ang kahulugan,haha.. hindi ba pwedeng lasang sapatos? lasang ilong? lasang tsinelas?.. bakit ba medyas?! .. haha.. naloloka ako kapag may kasama kong nagsasabi nun,lagi kung tinatanung kung bakit sa medyas niya nakumpara yung lasa nang sabaw? nakatikim na ba siya?.. haha.. sa ngayon,wala pang magaling na nag eexplain sa kin kung bakit nga ba.. haha.. pero base naman sa aking kaalaman,haha.. ang ibig sabihin nun is that hindi maganda yung lasa nang libreng sabaw na yun.. kaya ako,hindi ako kumukuha nung sabaw na ganun.. pero minsan kapag kusang dinadala nang waiter sa table sinusubukan ko,pero isang subo lang nagagawa ko.. kasi naman eh! halos lahat nang kainang may libreng sabaw.. walang masarap,walang lasa,walang bango.. haha.. dun ko napatunayan na hindi talga lahat ng libre ay masarap,haha..
.. kapag may natikman kayong masarap na sabaw sa mga kainan sa tabi tabi,inform niyo nga sa kin.. haha.. tatry ko,kung hindi lasang medyas kagaya ng sinasabi nila.. pero ingat din kasi hindi tayo sigurado kung malinis ba yung mga ganung libreng sabaw.. kasi nga laging sinasabi nilang lasang medyas.. haha..
''..alcohol-ik.!..''
.. umiinom ka ba ng alak?.. kung hindi.. bakit mo inopen to?,hehe.. kung oo naman.. inom tayo minsan huh?.. treat mo.. hehe.. nwiez.. para san ba ang pag inum ng alak?.. anu bang napapala ng mga taong nagpapakalasing?.. hmm.. nung unang panahon pa lang meron ng mga lasenggo at lasengga dba?.. kahit sa panahon ni jesus meron na.. that means,madaming ganung tao.. hmm.. communicable disease?.. hereditary kaya?.. ay,naku.. kahit anu pa yan.. yun na yun.. hehe..
.. ako?.. hmm.. yah,i do drink.. with my friends.. relatives.. schoolmates.. or sometimes,even with the unusual people.. ganun talaga kapag alien.. hehe.. let’s start sa mga usual na tinatanong sa mga umiinom..
1. kelan ka natutong uminom?..
- i started drinking nung elementary.. hehe,d ko na alam what grade.. pero siguro nung nagstart akong makipagsapalaran sa buhay,charot.. hehe..
2. san ka naman umiinom?..
- hmm.. sa bahay namin.. sa bahay ng nagyaya.. sa kahit saang bahay na pwede,hehe.. sa semi formal na bar.. in short,kahit saan basta may pera ako.. or kung wala naman.. ay libre ako,syempre..
3. anung mga alak ang iniinom mo?..
- hmm.. as of now.. madami na din akong nainom.. pero fave?.. wala eh.. hehe.. basta nafeel ko.. and hindi ako nauumay sa inumin,ok lang sa kin.. hindi ako choosy pagdating dyan..
4. bakit ka naman umiinom?..
- kasi gusto ko?.. hehe.. hmm.. kasi kasama siya sa okasyon.. may nagyaya or nanlibre sa kin or bonding moments.. hmm.. may problema ko.. i actually dont drink dahil wala akong magawa,hehe.. i rather sleep kasi..
5. anung napapala mu sa pag inom?..
- hmm.. actually,marami..kapag walang problema at kasiyahan lang ang rason ng inuman,syempre bonding moments yun kung sino man ang kasama ko.. ways din yun to meet other people and catch up with the old ones.. kapag iba naman ang rason,its a way to help and get in touch with someone na may problema.. kapag ako naman ang nagyaya.. well,kapag may prob.. anu napapala ko sa pag inum?.. well.. i get to see kung sino yung mga taong kaya kong intindihin specially kapag wala ako sa katinuan.. nagiging masaya din ako even not for so long,kapag may problema ko nun huh.. pero kapag wala,syempre for keeps ang mga happy moments..
.. for me,there is nothing wrong in drinking alcohol.. as long as i can handle it,and i know my limitations.. hindi ko din masasabing masamang bisyo yun,it just really depends on the person who is drinking.. at ang aral na natututunan ko sa pag inum,specially kapag may problema ako.. i come to realize yung pinaka problema.. and i get to think kung anu ang tama sa mali.. anu ang dapat sa hindi dapat.. anu ang masama sa mabuti.. at kung gano ko pinahahalagahan ang buhay ko.. drinking alcohol is not really that bad.. basta alam mo kung panu dalhin ang mga bagay,at kaya mong umuwi ng buo kahit lasing ka na.. hehe.. at syempre,marunong kang bumangon sa pagkalango..
Saturday, May 1, 2010
''..my li'l family..''
Laking tondo ako,batangas and pangasinan mga probinsya ng family ko. Maliit lang family namin. Ako,kuya ko,papa ko at mama ko. Hindi kami mayaman,masisipag lang talaga parents ko at mga kamag-anak namin. Dumadating din kami like other family sa tinatawag nilang 'gipit moments'. Sabi nga ng kuya ko,mukha lang talaga kaming mayaman. Haha. Not in a way na trying hard kami magmukhang ganun,kungdi mukha lang talagang pangmayaman ganda namin.Haha. Angkan namin ay masasabi kong God oriented people kahit mag kakaiba kami ng religion,haha. Kami kasi protestante,and the rest pure catholic naman.
Papa ko,he was born sa batangas with 5 siblings. Siya ang panganay,after niya mag highschoollumipat na siya dito sa manila para makipagsapalaran (wow lalim).Si papa,is a very religious person para sa kin. He even took a pastoral exam but unfortunately didn't pass because of some uncertain circumstances but eventhough hindi siya nakapasa dun his still a candidate for pastoral stuffs (hindi ko alam tawag,haha.). For me,as a father hindi siya ganun kastrikto sa min (or tingin ko lang yun kasi,matigas ulo ko. haha.) he doesn't talk much in our house kasi his always working(masipag magtrabaho yun) but when he talks we have to listen (kahit there are times na paulit-ulit na lang) specially now na wala mama ko with us. Madaming nagsasabi kanukha ko si papa,kasi chubby tapos maliit (pero now,pumayat na si papa tumatanda na din kasi at gud thing his taking care of his body) hindi nga lang niya kaya itigilk ang paninigarilyo niya,haha. His a tough person,tatahi-tahimik lang pero kapag nagsalita iba (it's either ikatutuwa mo or ikaiinis mo talaga) As of now his a staff sa christian school na pag-aari ng church na inaattendnan namin at pinag araaln namin ng kuya ko ng nursery hanggang kinder.
Mama ko naman,purong pinoy pero mukhang instik/koreana(lagi siyang napagkakamalang hindi pinoy dahil sa appearance niya) pero wag ka,taga mountain province mga kanunununuan niya.Laking pangasinan si mama,bunso din siya kagay ko at 2 lang din silang magkapatid ng tito mar ko. Magaling makisama (kahit sa mga kapitbahay naming insekyora sa ganda niya),masipag (magtrabaho at maglinis ng kung anu-ano sa bahay),makulet,metikalosa (as in! parehas sila ng kuya ko.) 3 yrs na siya na nasa Kuwait. Personal taga pag alaga siya ng kambal na bagets na anak ng isang mayamang pamilya dun.
About my one and only kuya,mascom grad siya from pup. Masipag (mag aral,magtrabaho) lahat yata ng katamaran napunta sa kin eh,haha! maarte (daig pa ako),malandi,matakaw,bansot (haha! parehas kami,bwiset!). One and only kapatid ko yan,kay nagtyatyaga kami sa isa't-isa (haha,biro lang) pero 2 lang kaming dyosa na nilikha ng amingmga magulang kaya naman pinagkakalat namin ang angkin naming kagandahan,haha.! Nag wowork na siya ngayon as an online english teacher ng mga korean.
At ako? eto college student pa din,ako na lang pinag aaral nilang 3,haha. Ako ang pinaka sa pamilya namin,haha. Pinaka matakaw,pinaka matigas ang ulo,pinaka sutil,pinaka ewan din.
Haha. Black sheep nga ako eh,pinakamagandang black sheep naman ako. Haha. Pero kahit ganto ako,love naman ako ng family ko,at love ko din sila (minsan) haha,biro lang. Pero kahit hindi kami perfect,i still feel bless having them as my family. ^_____^ ..
Subscribe to:
Posts (Atom)