Laking tondo ako,batangas and pangasinan mga probinsya ng family ko. Maliit lang family namin. Ako,kuya ko,papa ko at mama ko. Hindi kami mayaman,masisipag lang talaga parents ko at mga kamag-anak namin. Dumadating din kami like other family sa tinatawag nilang 'gipit moments'. Sabi nga ng kuya ko,mukha lang talaga kaming mayaman. Haha. Not in a way na trying hard kami magmukhang ganun,kungdi mukha lang talagang pangmayaman ganda namin.Haha. Angkan namin ay masasabi kong God oriented people kahit mag kakaiba kami ng religion,haha. Kami kasi protestante,and the rest pure catholic naman.
Papa ko,he was born sa batangas with 5 siblings. Siya ang panganay,after niya mag highschoollumipat na siya dito sa manila para makipagsapalaran (wow lalim).Si papa,is a very religious person para sa kin. He even took a pastoral exam but unfortunately didn't pass because of some uncertain circumstances but eventhough hindi siya nakapasa dun his still a candidate for pastoral stuffs (hindi ko alam tawag,haha.). For me,as a father hindi siya ganun kastrikto sa min (or tingin ko lang yun kasi,matigas ulo ko. haha.) he doesn't talk much in our house kasi his always working(masipag magtrabaho yun) but when he talks we have to listen (kahit there are times na paulit-ulit na lang) specially now na wala mama ko with us. Madaming nagsasabi kanukha ko si papa,kasi chubby tapos maliit (pero now,pumayat na si papa tumatanda na din kasi at gud thing his taking care of his body) hindi nga lang niya kaya itigilk ang paninigarilyo niya,haha. His a tough person,tatahi-tahimik lang pero kapag nagsalita iba (it's either ikatutuwa mo or ikaiinis mo talaga) As of now his a staff sa christian school na pag-aari ng church na inaattendnan namin at pinag araaln namin ng kuya ko ng nursery hanggang kinder.
Mama ko naman,purong pinoy pero mukhang instik/koreana(lagi siyang napagkakamalang hindi pinoy dahil sa appearance niya) pero wag ka,taga mountain province mga kanunununuan niya.Laking pangasinan si mama,bunso din siya kagay ko at 2 lang din silang magkapatid ng tito mar ko. Magaling makisama (kahit sa mga kapitbahay naming insekyora sa ganda niya),masipag (magtrabaho at maglinis ng kung anu-ano sa bahay),makulet,metikalosa (as in! parehas sila ng kuya ko.) 3 yrs na siya na nasa Kuwait. Personal taga pag alaga siya ng kambal na bagets na anak ng isang mayamang pamilya dun.
About my one and only kuya,mascom grad siya from pup. Masipag (mag aral,magtrabaho) lahat yata ng katamaran napunta sa kin eh,haha! maarte (daig pa ako),malandi,matakaw,bansot (haha! parehas kami,bwiset!). One and only kapatid ko yan,kay nagtyatyaga kami sa isa't-isa (haha,biro lang) pero 2 lang kaming dyosa na nilikha ng amingmga magulang kaya naman pinagkakalat namin ang angkin naming kagandahan,haha.! Nag wowork na siya ngayon as an online english teacher ng mga korean.
At ako? eto college student pa din,ako na lang pinag aaral nilang 3,haha. Ako ang pinaka sa pamilya namin,haha. Pinaka matakaw,pinaka matigas ang ulo,pinaka sutil,pinaka ewan din.
Haha. Black sheep nga ako eh,pinakamagandang black sheep naman ako. Haha. Pero kahit ganto ako,love naman ako ng family ko,at love ko din sila (minsan) haha,biro lang. Pero kahit hindi kami perfect,i still feel bless having them as my family. ^_____^ ..
No comments:
Post a Comment