.. ”lasang medyas tol..” nasabi mo na ba yan?.. or nasabi na ba sayo yang phrase na yan?.. ako,madami nang nakapagsabi sa kin nyan.. lalo na kapag nasa mga kainan.. ang pinopoint out ng phrase na yan,ay yung libreng sabaw na binibigay sa mga karinderya or sa ibang kainan..
.. anu daw?! .. ako,ewan ko ba kung bakit lasang medyas ang sinasabi nila,nakatikim na ba sila nang medyas? kaya nila nakumpara yung lasa ng sabaw at medyas?.. haha.. ewan ko ba sa ting mga pinoy.. ang daming pinapauso,haha.. kung gano karami ang problema nang bansa ganun din karami ang mga pinapausong mga phrase at words na kung anu anu ang kahulugan,haha.. hindi ba pwedeng lasang sapatos? lasang ilong? lasang tsinelas?.. bakit ba medyas?! .. haha.. naloloka ako kapag may kasama kong nagsasabi nun,lagi kung tinatanung kung bakit sa medyas niya nakumpara yung lasa nang sabaw? nakatikim na ba siya?.. haha.. sa ngayon,wala pang magaling na nag eexplain sa kin kung bakit nga ba.. haha.. pero base naman sa aking kaalaman,haha.. ang ibig sabihin nun is that hindi maganda yung lasa nang libreng sabaw na yun.. kaya ako,hindi ako kumukuha nung sabaw na ganun.. pero minsan kapag kusang dinadala nang waiter sa table sinusubukan ko,pero isang subo lang nagagawa ko.. kasi naman eh! halos lahat nang kainang may libreng sabaw.. walang masarap,walang lasa,walang bango.. haha.. dun ko napatunayan na hindi talga lahat ng libre ay masarap,haha..
.. kapag may natikman kayong masarap na sabaw sa mga kainan sa tabi tabi,inform niyo nga sa kin.. haha.. tatry ko,kung hindi lasang medyas kagaya ng sinasabi nila.. pero ingat din kasi hindi tayo sigurado kung malinis ba yung mga ganung libreng sabaw.. kasi nga laging sinasabi nilang lasang medyas.. haha..
No comments:
Post a Comment